Karumaldumal ang nangyari sa magsyota sa bayan ng Boac, Marinduque, matapos silang pasukin ng isang hindi pa kilalang lalaki habang nagka-camping sa tabindagat ng Brgy. Ihatub.
Sa ulat ng Boac Municipal Police Station, bandang ala-una ng madaling araw nang pasukin ang mag-syota.
Kwento ng 17 taong gulang na biktimang babae, pinatay ng suspek sa harap nito ang kanyang boyfriend gamit ang isang patalim.
Agad siyang tumakbo palabas ngunit hinabol siya ng suspek at sinugatan sa leeg, at pinilit na maghubat hanggang sa gahasain umano ito.
Ninakawan rin umano ang mga biktima matapos tangayin ng suspek ang kanilang pera at cellphone ng biktimang babae.
Matapos ang krimen, umalis rin umano ang suspek habang ang biktimang babae ay naghintay sa kalsada kung saan siya nakita ng delivery rider na si Russel Prieto Malapajo na nagdala sa kanya sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng Boac Municipal Police Station sa krimen.