Bumisita kamakailan sa opisina ni Batangas Governor Dodo Mandanas ang mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon.
Ang delegasyon mula sa Romblon ay pinangungunahan ni Governor Jose Riano, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.
Sa nasabing pagbisita ay nagkaroon ang mga opisyal ng dalawang probinsya ng pagbabahagi ng mga programa at proyekto, na inaasahang magiging gabay para sa mas mahusay at epektibong pamamahala.
Ayon sa Batangas Public Information Office, nagbigay rin si Governor Mandanas ng isang token of appreciation o souvenir na balisong kay Romblon Governor Riano bilang handog at pagkilala ng probinsya ng batangas sa kanilang pagbisita.
Samantala, nakiisa rin ang mga bumubuo ng delegasyon mula sa Romblon sa isinagawang pagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas ng scholarship assistance sa mga mag-aaral na batangueño.


































