May aabot sa 50 Philippine Green Sea Turtle ang pinakawalan ng mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office noong Miyerkules sa Barangay Agpanabat, Romblon, Romblon.
Pinangunahan ni Provincial Director Police Col. Raynold Rosero ang pagpapakawala sa mga pawikan kasama ang iba pang opisyal ng Romblon PNP, Barangay Agpanabat, at mga empleyado ng Municipal Agriculture Office.
Ayon sa MAO, ang mga baby green sea turtles na ito ay itinututuring nang endangered dahil sa mabilis na pagkaubos ng mga ito sa dagat.


































