Aabot sa 255 na nagsasaka ng niyog mula sa iba’t ibang mga barangay ng bayan ng Romblon, Romblon ang nakatanggap kamakailan ng check incentives mula sa Philippine Coconut Authority (PCA) – Romblon.
Ayon sa PCA Romblon, ang 255 magsasaka ay nagmula sa mga Barangay ng Tambac, Calabogo, Macalas, Lamao, Sablayan, Aganaga, Agpanabat, Ilauran, Agnay, Anipa, Capaclan, Ginablan, Lunas, Mapula, Palje at Sawang. ay nakatanggap ng check na nagkakahalaga lahat ng 1.7-million pesos.
Mula ito sa ICPRP CY 2021 Phase 1 at Phase 2 na proyekto ng ahensya.