Aabot sa may isang libong kabataang residente ng Looc, Romblon ang dumagsa kahapon sa Looc Public Covered Court upang makiisa sa pagsisimula ng Looc Sports Fest 2022.
Ito ay matapos ang dalawang taong pagkaantala ng mga palaro dahil sa naranasang pandemya ng bansa.
ormal na itong nagsimula kahapon, hudyat ng pagsisimula rin ng selebrasyon ng Looc Town Fiesta.
Ilan sa mga palaro ay ang Basketball, Volleyball, Futsal, Lawn Tennis, Table Tennis, at Badminton.
Mismong si Congressman Eleandro Madrona ang nanguna sa pagsisimula ng nasabing palaro. Pinangunahan nito ang Ball Tossing Ceremony para sa Cong. Budoy Madrona’s Inter-Barangay Basketball Cup.
Sa mensahe ni Mayor Lisette Arboleda, kanyang ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat at pagsaludo sa mga Barangay Officials, SK Officials, mga sponsors at sa mga kabataan na aktibo at walang sawang nakikiisa at sumusuporta sa nasabing aktibidad.
Hindi maitago ng mabuting Mayor ang kanyang kasiyahan dahil sa wakas sa loob ng dalawang taon ay maisakatuparan na ang dalawang taon nang pangarap ng nakakarami na hindi matuloy-tuloy dahil sa pandemya-ang Looc Town Fiesta 2022.