May pagtaas sa singil ng taripa ng kuryente ang mga member/consumers ng Tablas Tablas Island Electric Cooperative (TIELCO) na nagsimula noong Marso.
Ayon kay TIELCO General Manager Dennis Alag, alinsunod ito sa desisyon ng Energy Regulatory Commission sa ERC Case No. 2018-048 RC, ukol sa petisyon ng National Power Corporation na magtaas ng taripa upang matugunan ang pagpataw ng excise tax ng pamahalaan sa gatong na langis ng makinang gumagawa ng kuryente.
Nagkaroon ng dagdag na singil na P0.7289/kwhr sa subsidize approved generation rate o SAGR at P0.0039 centavo naman na pagtaas sa Universal Charge/Missionary Electrification o UCME.
Sinabi ni Alag na effective immedietly ang nasabing kautusan.




































