Sa ikatlong pagkakataon ay kinilalang muli ang bayan ng Odiongan bilang Most Person with Disabilities (PWD) Friendly Municipality sa buong lalawigan ng Romblon.
Nakuhang muli ng Odiongan ang pagkilala para sa taong 2021 noong nakaraang linggo.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic, ang pagkilala ay may premyong aabot sa P100,000 mula sa Pamahalaang Panlalawigan.
Magagamit ito ng Odiongan Persons with Disability Affairs Office para sa kanilang mga proyekto pa para sa mga PWD sa bayan.