Mahigit isang libong kababaihan ang nakilahok sa ginanap na Provincial celebration ng Women’s Month sa bayan ng Romblon, Romblon ngayong March 23.
Mula sa labing pitong munisipyo ng probinsya, nagkaisa ang mga Juana.
Naging posible ito dahil sa pakikipagtulungan ng Provincial Social Welfare and Development sa iba’t ibang ahensya mula barangay hanggang sa mga National Agencies sa lalawigan.
Sa isang araw na aktibidad, may nagpaliwanag sa kanila ukol sa mga batas na saklaw ng kababaiahan.
Naging tagapasalita rin ang gobernador ng lalawigan at sinabing napakahalaga ng araw na ito hindi lamang sa mga kababaihan, maging sa lahat dahil ang pagpoprotekta sa karapatan ng isang sektor ay pagprotekta rin umano sa lahat. (PJF)