May aabot sa mahigit 20 kataong benepisyaryo ng Livelihood Project ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng lokal na pamahalaan ng Odiongan ang tumanggap kamakailan ng negosyo package para sa kanilang pagsisimula ng negosyo.
Pinangunahan ni DOLE Romblon Director Carl Villaflores ang pamamahagi ng assistance na ito sa Odiongan Public Plaza.
Ayon kay Villaflores, ilan sa natanggap ng mga benepisyaryo ay mga itlog, softdrinks, bigas at ipa pang paninda na magagamit ng mga ito sa pagsisimula ng kanilang negosyo.
Samantala, ayon sa Odiongan Community Organizing Office, ang proyektong ito ay bahagi parin ng tulong ng lokal na pamahalaan at ng pamahalaang nasyonal sa mga residente ng bayan na higit na naapektuhan ng nararanasang pandemya.