Mapapa-sana-All talaga ang mga tropapips natin sa sakalam na taglay ng bilyonaryong si Manny Villar na parang nanalo sa beto-beto sa peryahan sa Tundo matapos makuha ang frequency na Channel 2, na dating ginagamit ng ABS-CBN.
Maraming ayudanatics nating kurimaw ang napa-wow! at napa-ha?! nang una nilang mabalitaan sa Bilyonaryo.com na ibinigay nga ng National Telecommunications Commission (NTC) ang temporary permit sa Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) ni Villar, para mag-test broadcast sa Channel 2.
Kung tutuusin, batay sa pahayag ng NTC mga tropapips, 2006 pa raw eh abangers na magkaroon ng frequency ang AMBS. Taong 2019 nang mabigyan ng prangkisa ng Kongreso ang AMBS na makapag-operate ng 25 taon. Ibig sabihin, hanggang 2044 pa sila puwedeng mag-operate.
Pero pormal lang na nakuha ng mga Villar ang ABMS noong nakaraang taon nang aprubahan ng Kongreso ang paglilipat ng naturang network sa Planet Cable Inc., na siyang unang broadcast company ng mga Villar.
Kaya ang mga Kapamilya na walang nakuhang prankisa, malamang na durog na naman ang puso. Lalo kasing lumalabo mga tropapips ang pangarap nila na makabalik sa dati nilang channel kapag nakakuha na silang prangkisa.
Linawin natin mga tropapips dahil marami ang nalilito. Ang nakuha ng ABMS ay frequency o channel na NTC ang may hurisdiksyon at “ipinapahiram” lang sa mga broadcast network. HINDI ang mismong ABS-CBN Network.
Kaya nang hindi makakuha ng prangkisa ang ABS-CBN para mag-operate, inalis sa kanila ang nakatalagang frequency o mga channel.
Ayon sa Bilyonaryo.com, bukod sa channel 2 na nakuha ng mga Villar, sinasabing ang iba pang channel ng ABS-CBN na Channel 23 [Sports channel] at Channel 43, eh ibinigay naman sa Aliw Broadcasting Company at sa Sonshine Media Network ni Pastor Apollo Quinoloy.
Dahil sa mga pangyayaring ito mga tropapips, asahan na babagsak ang shares sa stock market ng ABS-CBN dahil sa lumalabo na ang pag-asa nilang nakabalik talaga nang bongga kapag natapos ang termino ni President Mayor Digong Duterte sa katapusan ng June 2022.
Pero hindi pa naman “the end” ika nga ang lahat. Malay natin, baka may “manok” na tinayaan ang mga Lopez sa presidential derby at manalo. Puwede silang makakuha uli ng prangkisa to operate at hanapan ng butas ang ABMS upang alisin sa kanila ang frequency ng channel 2 at ibalik sa ABS-CBN.
‘Yon ang malamang ang wish ng mga Kapamilya mga tropapips. Pero kung hindi naman umayon sa kanila ang suwerte ng Tigre ngayon taon, ang puwedeng mangyari eh arkilahin at maki-squatter din ABS-CBN sa frequency ng ABMS para makapagpalabas din sila ng mga programa sa channel 2. Gaya ng ginagawa nila ngayon sa TV5 at iba pang channel.
Totosgas o gagastos nga lang sila.
Kung hindi naman, ang pinakamalupit na puwedeng mangyari at talagang i-push mo na teh ang pagiging sakalam ni Villar.
Puwede niyang bilhin ang ABS-CBN Network para magtagpo uli sila sa channel 2. Iyan naman eh kung ipagbibili ng mga Lopez ang network o hahawakan nila ito hanggang sa huli kahit pa mabutas ang kanilang bulsa at maghintay din ng bagong frequency.
Ang tanong siguro ngayon ng mga kurimaw na natin, ano kaya ang itatawag ng ABMS sa mga manonood sa network nila? Karamihan kasi sa mga negosyo ni Villar eh may “All,” gaya ng All Homes, All Day, All Sport at iba pa.
Kung may Ka-pamilya, Ka-puso, Ka-patid, ang ABMS kaya eh maging Ka-All?
Tandaan: Ang tao’y nilalang na politiko at madalas ang politiko’y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)