Naaresto ng mga tauhan ng Romblon Police Provincial Office ang isang lalaking itinuturing nilang priority high value target dahil sa iligal na droga sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ang suspek na kinilalang si Louwhe Gee Felipie, 27, residente ng Barangay Bagacay.
Ayon sa pulisya, nabilhan di umano ng mga operatiba ang suspek sa isang buy-bust operation ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.