Nagsimula na ngayong February 21, Lunes, ang bakunahan laban sa Covid-19 para sa mga batang edad 5-11 taong gulang sa bayan ng Odiongan, Romblon.
Iba’t ibang pakulo ang ginawa ng mga health workers ng bayan para sa halip na iyak at takot ang mararamdaman ng mga batang magpapaturok, ay kasiyahan.
Mismong mga vaccinators ay may mga suot na cartoon character habang ang iba naman ay nakasuot na tila mga cosplay artist.
Matapos ang bakunahan, may libreng ice cream at may libreng dental checkup rin ang isang grupo ng mga dentista sa probinsya.
Ayon sa Rural Health Unit ng Odiongan, target nilang makapagbakuna ng 10 kada-Barangay sa buong bayan.
Nagkaroon rin ng bakunahan sa loob naman ng Romblon Provincial Hospital kung saan unang nakapagpabakuna ay mga kaanak ng mga health workers na nagtatrabaho rito.