Sinimulan ng pilahan nitong unang linggo ng January ang inilatag na One Stop Shop ng lokal na pamahalaan ng Odiongan para sa mga negosyante ng bayan na gustong mag-renew ng permit at lisensya.
Sa Business One Stop Shop na ito ay hindi na kailangan ng mga negosyante na magpupunta sa iba’t ibang opisina ng gobyerno para mag-asikaso ng kanilang mga requirements.
May sarili na kasing booth rito ang Department of Trade and Industry, Bureau of Fire Protection, at iba pang opisina ng gobyerno na kailangan sa pag proseso ng business permits.
Target ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) na mas mahigitan pa ngayong taon ang bilang ng mga negosyong marerehistro sa Odiongan kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa Business Permits and Licensing Office ng bayan, bukas ang one stop shop na matatagpuan sa Odiongan Covered Court mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, sa mga petsa ng January 3-7, 10-14, at 17-20. (PJF)