Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong “Odette” na may international name na “Rai”.
Batay sa ualt ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, alas-10 nitong December 14, nang mamataan ang mata ng bagyo sa layong 890 km East ng Mindanao.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 100 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 125 km/h.
Tinatahak ng bagyo ang West Northwestward na direksyon sa bilis na 15 km/h.
Sa ngayon, nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga lugar ng Guiuan, Mercedes, Salcedo sa Eastern Samar; Dinagat Islands; Claver, Surigao City, Tagana-An, Placer, Gigaquit, Bacuag sa Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands; at Carrascal, Cantilan, Madrid, Cortes, Carmen, Lanuza sa Surigao del Sur.
Ang nasabing bagyo ay inaasahang magpapaulan sa Romblon simula sa Huwebes habang tinatawid nito ang kalupaan ng bansa.