Walang makakatunggali ang dalawang incumbent officials ng bayan ng Romblon, Romblon na si Mayor Gerard Montojo at Vice Mayor Mariano Mateo sa darating na eleksyon sa susunod na taon.
Sa inilabas na listahan ng Commission on Elections (Comelec), tanging ang pangalan lang ng dalawa ang nakalista sa mga tatakbo sa pagka-alkalde at bise-alkalde ng bayan.
Samantala, ang mga naghain sa pagka-Sangguniang Bayan ay sina Donato Mateo, Fernando Faigao, Noel Ferrancullo, Ma. Hannah Fontilar, Gil Maaba, Lodigario Llabore, Roberto Madera, Jusel Maduro, Orlando Magang, Mario Moral, Rogelio Mariño, Joseph Mingoa, Lyndon Molino, at Luis Morante.
Tatakbo rin sina Norberto Solanoy, Ronald Riano, Raymund Robis, Rodolfo Basina, Mavourneen Matthew Romero, Ignacio Rubas, Earl Van Anthony Rugas, at Mart Arthur Silverio.