Bumaba na sa 135 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa bayan ng Romblon, Romblon batay sa ulat ng Rural Health Unit ngayong Sabado.
Batay sa kanilang talaan, ang 78 rito ay nag positibo sa Covid-19 sa pamamagitan RT PCR testing habang ang 57 ay nagpositibo sa pamamagitan ng rapid antigen test.
Sa kabuoan umabot na sa 568 ang total Covid-19 cases ng bayan, 373 rito ay gumaling na.
Samantala, ang bilang ng mga nasawi ay umakyat na sa 60 matapos madagdagan ng 12 mula October 3 hanggang 9.
Maalalang ang lokal na pamahalaan ng Romblon sa pamamagitan ng kanilang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ay nagpalabas ng kautusan na nagbabawal lumabas ng kanilang mga bahay ang mga hindi bakunado laban sa virus para mapaliit ang bilang ng mga nahahawa sa Covid-19.
Ang nasabing kautusan ay inaasahang magtatapos na ngayong Linggo, October 10, kung hindi papalawigin ng MIATF.