Naghain na ngayong araw ng kanyang certificate of candidacy si incumbent Sangguniang Bayan member Atty. Marvin Greggy Ramos para sa pagka-alkalde ng bayan ng Cajidiocan, Romblon sa ilalim ng PDP-Laban.
Kasamang nag-file ni Ramos ang kanyang running mate na si incumbent Vice Mayor Kenyo Rabino.
Bago magtungo sa Comelec, nanalangin muna ang grupo ni Ramos kasama ang ilang lider ng simbahan sa bayan.
Makakatungali ni Ramos ang iba pang naghain ng kandiatura sa pagka-alkalde ng bayan na sina Domingo Rivero at Edwin Rotoni.
Samantala, tatakbo rin sa pagka-bise alkalde sina Mylene Tan at Jocelyn Rillera.