May aabot sa 5,850 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 Vaccine ang dumating ngayong Martes sa probinsya ng Romblon.
Ayon kay Ralph Falculan, Development Officer ng DOH-Mimaropa, ang mga bakunang ito ay nakalaan para sa mga bayan ng Romblon, Cajidiocan, San Fernando at Magdiwang.
Ang mga bakuna ay kailangan rin maiturok ngayong araw sa mga priority group lalo na sa mga senior citizens at may mga comorbidity.
Sinabi rin ni Falculan na may paparating pang mga bakuna ngayong linggo para naman sa Tablas at iba pang isla sa probinsya.
Sa huling tala ng provincial epidemiology surveillance unit (PESU), may aabot na sa 49,667 ang nakatanggap na ng dalawang dose ng Covid-19 vaccine sa buong Romblon.