Isang lumulutang na bangkay ng batang lalaki ang nakita ng mga mangingisda sa dagat na bahagi ng Barangay Buli, San Agustin, Romblon kaninang umaga.
Ayon sa report ng Romblon Police Provincial Office, bandang alas-8 ng umaga ng hilahin ang walang buhay na katawan ng bata patungo sa dalampasigan ng nabanggit na barangay para agad na ipanawagan sa mga kapulisan.
Sa pakikipag-ugnayan ng San Agustin Municipal Police Station sa Romblon Municipal Police Station, nakilala ang batang si Mark John Galanao Buhay, 8 anyos, residente ng Barangay Cajimos, Romblon, Romblon.
July 7 pa umano naiulat na nawawala ang bata.
Agad naamng tumungo ng San Agustin Port ang pamilya ng bata at dito na nga nila nakumpirma na ito ang nawawala nilang kapamilya.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga kapulisan kung ano ang kinamatay ng bata at kung paano ito napadpad sa dagat.