Matagumpay ang isinagawa na Libreng Tuli na handog ng Sangguniang Kabataan sa isla ng Cobrador sa bayan ng Romblon, Romblon kamakailan.
Katuwang ng mga Kabataan ang Rural Health Unit (RHU) ng bayan ng Romblon sa pangunguna ni Dra. Merly Hernandez Mallorca na hindi nagdalawang isip na magbigay ng libreng serbisyo sa mga kabataan sa isla.
Ayon sa Romblon RHU, aabot sa 26 na kabataang lalaki ang nabigyan ng libreng tuli sa isla.
Kinagisnan at kinikilala ng mga magulang ang kahalagahan ng tuli sa kalusugan pero minsan ay ipinagpapaliban ito ng mga mahihirap na pamilya dahil sa kakulangan ng perang ibabayad sa pribadong doktor kaya malaking bagay umano ang mga libreng operasyon ng tuli lalo na sa mga malalayong barangay.
Maliban sa libreng tuli, nagbigay rin ng libreng gupit ang mga kabataan sa mga residente ng Barangay.