Naaresto ng mga operatiba ng gobyerno ang isang lalaki sa bayan ng Romblon, Romblon matapos mabilhan di umano ng ipinagbabawal na droga noong June 6.
Kinilala ang suspek na si Czar Franco o kilalang si Bing Franco, 48 anyos, residente ng Barangay Bagacay, Romblon, Romblon.
Ayon sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, ang suspek ay dati ng sumuko sa Oplan Tokhang at naibilang sa tinatawag na High Value Individual ng Romblon Municipal Police Station.
Sa operasyon, nabilhan umano nila ang suspek ng isang sachet ng ipinagbabawal na droga. Nang magkaabutan, agad nila inaresto si Franco.
Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang P1,000 bill at dalawang P500 boodle money.
Tinatayang aabot sa .03 grams ang bigat ng nabila di umanong iligal na droga sa suspek.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa paglabag sa Republic Act 9165 o mas kilalang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.