• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 6, 2026
27 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    FILE PHOTO. VOTERS REGISTRATION IN ODIONGAN ROMBLON.

    Comelec, magbubukas muli ng voter registration sa Nobyembre 10

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

    MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    Natatanging produkto ng mga taga-Odiongan, pinuri sa Social Enterprise Week

    Natatanging produkto ng mga taga-Odiongan, pinuri sa Social Enterprise Week

    Kooperatiba at NGOs, hinimok na magtulungan para mapalago ang micro-enterprises

    Kooperatiba at NGOs, hinimok na magtulungan para mapalago ang micro-enterprises

    Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
27 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Daig pang bagyo ni COVID-19 variants

Romblon NewsbyRomblon News
May 18, 2021 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 14 mins read
7
0
U_Spy: Daig pang bagyo ni COVID-19 variants
Share on FacebookShare on Twitter

Tulad ng mga bagyo na laging binabantayan ng PAGASA, makapapasok at makapapasok pa rin sa Pilipinas mga tropapips ang mga imported variant ng COVID-19 tulad ng B.1.617 na galing sa India.

Naging biru-biruan na nga ng mga kurimaw nating sabik na sa ulan ang palaging balita na may binabantayang namumuong sama ng panahon ang PAGASA. Pero ang madalas na ending, nakapapasok pa rin ang bagyo sa ika nga'y Philippine area of responsibility.

Pero biro lang iyon mga tropapips ng mga kurimaw dahil wala naman talaga sa kontrol ng PAGASA kung anong road trip ang gustong tahakin ng bagyo. Basta ang PAGASA, susubaybayan lang ang bagyo kung malakas ba ang arrive at kung magiging mapaminsala.

At gaya ng bagyo, kahit anong higpit ang gawin ng pamahalaan sa pagpigil sa mga nagmu-mutate na COVID variant sa abroad, aba'y makakapasok-at-makakapasok din ito sa Pilipinas kahit anong travel restriction ang gawin.

Gaya na lang ng pinakahuling travel restriction sa India dahil sa kumakalat nilang variant ng COVID na B.1.617 at sinasabing malakas makahawa. Hindi pa malinaw kung deadly rin ang naturang variant bagamat napakaraming pasyente ang namamatay sa kanila.

Kaya para mapigilan ang pagpasok ng India variant na COVID, nagpatupad ang Pilipinas ng travel restriction sa mga manggagaling sa India. Nagsimula ang ban sa biyahe noong Abril 29 at tatagal hanggang nakaraang Mayo 14.

Habang isinusulat natin ito mga tropapips, hindi pa natin alam kung palalawigan pa ba ang travel ban.

Ngunit ang nangyari, nakapasok pa rin ang naturang variant ng India sa Pilipinas–at hindi nanggaling sa India ang nagpasok sa bansa ng virus kung hindi galing sa Middle East na dalawang OFW.

April 10 at April 19 dumating sa Pilipinas ang dalawang OFW. Ibig sabihin, bago pa maipatupad ang travel ban ng mga mula sa India. Hindi naman nagtungo sa India ang dalawa–na ang isa ay galing sa Oman at sa UAE naman ang isa pa.

At gaya ng B.1.617 ng India mga tropapips, may iba pang variant ng COVID ang nag-usbungan: ang UK variant (B.1.1.7), South Africa variant (B.1.351), at Brazil variant (P.1), na nang una ring maibalita eh mabilis din daw makahawa.

Kaya nagpatupad din noon ang Pilipinas ng travel ban sa mga nabanggit na bansa pero nakapasok din ang virus sa Pilipinas.

Sa isang datos na inilabas ng Department of Health, lumitaw na 952 na ang UK variant sa Pilipinas, 922 ang gumaling, 22 ang namatay at walo pa ang active cases. Ang South Africa variant, 1,098 na ang kaso sa bansa. Gumaling na 1,076, may namatay na 17 at lima pa ang ginagamot.

Samantalang ang Brazil variant, 2 ang kaso at pareho nang gumaling, na tulad ng dalawang OFW na dinapuan ng India variant.

Ibig sabihin mga tropapips, mahirap talagang mapigilan ang pagpasok sa bansa ng ibang variant ng COVID na galing sa abroad. Kaya ang pinakamahalaga pa rin ay maging handa ang gobyerno sa mga pasilidad at gamit sa mga ospital at quarantine facility sakaling maging totoo na matinding makahawa ang mga virus.

Bukod pa siyempre na dapat mabilis ang pamamahagi ng mga COVID vaccine sa mga lokal na pamahalaan upang maiturok na agad sa mga dapat turukan para mas dumami na ang mga taong magkakaroon ng immunity.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

    Lalaki, nasawi sa pananaksak sa Alad Island

    698 shares
    Share 279 Tweet 175
  • Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    45 shares
    Share 18 Tweet 11
  • BE-FAST, gabay sa pagkilala sa mga babalang palatandaan ng stroke

    100 shares
    Share 40 Tweet 25
  • Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    3021 shares
    Share 1208 Tweet 755
  • Filipina na tubong Looc, natagpuang patay sa bansang Samoa

    900 shares
    Share 360 Tweet 225
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Madrona, isinusulong ang conversion ng RNIT bilang Romblon State Polytechnic Institute

PCSO Lotto Results – November 03, 2026

Marcos, naglabas ng EO para sa iisang patakaran sa suspensiyon at pagbabalik ng klase

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up