• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 6, 2026
27 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    FILE PHOTO. VOTERS REGISTRATION IN ODIONGAN ROMBLON.

    Comelec, magbubukas muli ng voter registration sa Nobyembre 10

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

    MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    Natatanging produkto ng mga taga-Odiongan, pinuri sa Social Enterprise Week

    Natatanging produkto ng mga taga-Odiongan, pinuri sa Social Enterprise Week

    Kooperatiba at NGOs, hinimok na magtulungan para mapalago ang micro-enterprises

    Kooperatiba at NGOs, hinimok na magtulungan para mapalago ang micro-enterprises

    Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
27 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Kasinungalingan ng China!

Romblon NewsbyRomblon News
April 11, 2021 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 15 mins read
7
0
U_Spy: Kasinungalingan ng China!
Share on FacebookShare on Twitter

Kung si Pinocchio ang China mga tropapips, malamang na kasinghaba na siguro ng Great Wall of China ang ilong nito sa dami ng kasinungalingan pinagsasabi tungkol sa West Philippine Sea.

Ang kurimaw natin na paboritong lagyan ng bagoong ang wanton noodles niya, gigil na gigil na naman sa China dahil sa pag-istambay ng kanilang mga barkong pangisda kuno sa Julian Felipe reef, na sakop ng teritoryo ng Pilipinas.

Sabi ng embahador ng China sa Pilipinas, mga mangingisda raw at hindi “militia”( o mga sibilyang resbak ng militar) ang sakay ng mga barko. Nasa Julian Felipe reef daw ang mga barko para magpalipas ng sama ng panahon.

Parang boomerang ang hugis ng Julian Felipe reef na ang layo sa Bataraza sa Palawan eh 175 nautical miles lang. At pasok na pasok ito sa exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kaya lang, bistado ang kasinungalingan na naman ng China dahil nakitang maganda ang panahon sa lugar. Baka naman ang intensyon lang nila ang masama. At maniniwala ba tayo na mga mangingisda lang at hindi militia ang sakay ng mga barko?

Papaano nga ba malalaman kung mangingisda o militia ang sakay ng mga barko? Simple sabi ng kurimaw natin, pumunta doon ng Philippine Coast Guard, sampahan ang mga barko at halughugin. Kung militia ang mga iyon, malamang na may nakatagong mga armas.

Hindi puwedeng mga sundalong Navy natin ang magpupunta roon para hindi magreklamo ang mga Intsik na naghahamon tayo ng gulo. Ang mga coast guard, maituturing sibilyan gaya ng mga malalaking barko ng coast guard ng China (o Marine Surveillance kuno) na nagtataboy sa mga mangingisdang Pinoy sa iba't ibang bahagi ng West Philippine Sea na sinakop na rin nila.

Mula pa noong “standoff” ng mga barko ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal noong 2012, wala nang sinabing totoo ang mga Tsino. Para matapos ang iringan noon, pinaalis ng pamahalaan natin ang mga barko ng Pilipinas sa kasunduan na aalis din ang mga barko ng China. Ang kaso, na-onse tayo at hindi sila umalis.

Nangyari ang standoff nang mabisto ng Navy natin ang ginagawang pambabalahura ng mga mangingisdang Tsino sa yamang-dagat sa Scarborough Shoal. Ang mga hindi dapat hulihin eh pinaghuhuli ng mga ito tulad ng mga giant clam.

At mula nang umalis ang barko natin sa Scarborough Shoal, mas naging agresibo na ang mga China sa pagsakop sa mga batuhan at bahura sa WPS na ginawa nilang artipisyal na isla.

Hindi raw militarisasyon ang pakay nila sa mga ginawang isla, pero ngayon, aba'y kung ano-anong missile ang nandoon at mga paliparan para sa mga jet nila. Kaya kapag sinabi nilang “hindi,” ang totoo nun, “oo.” Sabi nga ni Mam Susan Roces: Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw!

Kahit wala pang isla sa Julian Felipe reef [sa ngayon], malamang na ganito rin ang gawin ng China. Papalibutan ng mga militia ang lugar, at pagkaraan ng ilang araw, may darating ng mga barkong magtatambak ng buhangin sa mga batuhan, sesementuhin, tatayuan ng mga gusali, airstrip, lalagyan ng mga missle, at goodbye na uli Pilipinas.

Ngayon, kahit parang aso lang na nakatali at tinatahulan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang China at pinapalayas na niya sa Julian Felipe reef ang mga barko, maraming Pinoy na rin ang natutuwa. Aba'y mas maganda na nga naman ito kumpara noon na pawang walang imik.

Sabi ng kurimaw natin, kung minsan daw ang galit na aso eh lumalakas at nagagawang nakakawala sa tali at inaatake ang tinatahulan. Malay natin baka biglang nakakawala si Lorenzana. Ano kaya ang gagawin niya? Aba'y abangan natin.

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

    Lalaki, nasawi sa pananaksak sa Alad Island

    699 shares
    Share 280 Tweet 175
  • Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    45 shares
    Share 18 Tweet 11
  • BE-FAST, gabay sa pagkilala sa mga babalang palatandaan ng stroke

    100 shares
    Share 40 Tweet 25
  • Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    3021 shares
    Share 1208 Tweet 755
  • Love Angel Society, hinikayat ang pagre-recycle sa pamamagitan ng Heroween Party sa Sta. Maria

    15 shares
    Share 6 Tweet 4
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Madrona, isinusulong ang conversion ng RNIT bilang Romblon State Polytechnic Institute

PCSO Lotto Results – November 03, 2026

Marcos, naglabas ng EO para sa iisang patakaran sa suspensiyon at pagbabalik ng klase

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up