Nakumpiska ang isang plastic ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang Operaton Greyhound sa Romblon Provincial Jail nitong Sabado, March 13.
Ayon sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, ang shabu na may bigay na 0.4 grams, at may streat value na P5,000, ay nakuha sa cell number 2 kung saan nakapiit ang ilang drug personalities.
Maliban sa shabu, nakakuha rin sa loob ng cellphones, sim cards, battery, ilang deadly weapon, at ilang drug paraphernalia.
Ang operasyon ay ikinasa ng Romblon Municipal Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency, Romblon Provicincial Drug Enforcement Unit, Romblon CIT, Romblon Maritime Police Station, Coast Guard K9 Romblon kasama ang opisina ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Dagdag pa sa police report ng Romblon PPO, ang operasyon ay ikinasa matapos makatanggap sila ng intel reports na meron umanong nakatagong droga sa loob ng piitan.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang PDEA, Romblon Municipal Police Station, at ang pamunuan ng Provincial Government kung paano nakapasok at saan galing ang nakumpiskang shabu.
Nerekomenda naman ng kapulisan sa Romblon na isalang sa drug testing ang lahat ng inmates at empleyado ng pasilidad at dapat umanong may managot kung paano nakalusot ang shabu sa loob ng piitan.