Magsisimula nang bumiyahe sa bayan ng San Fernando, Romblon ang bagong transport vehicle sa dagat o sea ambulance.
Isa itong speedboat na gagamitin sa pag transport ng mga pasyente mula sa San Fernando patungo sa Romblon District Hospital o di kaya ay iba pang ospital sa probinsya.
Dumating ito sa Azagra Port at binasbasan noong ika-25 ng Pebrero na dinaluhan mismo nina Congressman Eleandro Jesus Madrona at Mayor Salem Tansingco kasama ang ilang opisyal ng bayan.
Maliban sa pag transport ng mga pasyente, magagamit rin umano ang sea ambulance na ito sa sea rescue operations at sa pag patrolya sa mga lugar na sakop ng municipal sea waters.
Masaya naman itong tinanggap ang magandang balita ng mga residente ng bayan.
Nagpasalamat sila sa magandang proyektong ito ng LGU San Fernando lalo na umano para sa mga pasyenteng kailangan ng agarang transportasyon.