Wala ng aktibong kaso ng coronavirus disaese 2019 (Covid-19) sa bayan ng Romblon, Romblon simula kahapon, February 5, matapos ideklarang ‘recovered’ na ang natitirang 5 kaso sa bayan.
Ayon sa Rural Health Unit ng Romblon, 86 na ang gumaling sa bayan sa virus habang 3 naman ang nasawi.
Dahil dito, isa nalang ang nanatiling aktibong kaso ng Covid-19 sa probinsya ng Romblon.
Ito ay ang health worker sa bayan ng Santa Fe na kasalukuyang naka-quarantine na sa kanilang isolation facility.
Paalala ng RHU Romblon sa publiko, maging maingat parin at sumunod sa mga health protocols katulad ng palagiang paghuhugas ng kamay at pagsusuot ng face masks at face shield.
Panatilihin rin lagi ang social distancing sa lahat ng panahon.