Binaha ang aabot sa limang barangay sa bayan ng Magdiwang, Romblon nitong Miyerkules ng umaga, February 10.
Ito ay dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan na naranasan ng bayna mula pa bandang alas-9 ng gabi hanggang kaninang umaga.
Umapaw kasi ang Tampayan River na napagbaha sa ilang lugar.
Ayon kay Magdiwang mayor Arthur Tansiongco, ang mga binahang barangay ay ang Tampayan, Jao-asan, Ambulong, Ipil, at Dulangan.
May ilang residente ang inilikas sa mga evacuation centers sa kasagsagan ng pagtaas ng tubig ngunit pinauwi rin ngayong tanghali matapos bumaba ang tubig.
Hindi rin madaanan ang ilang kalsada matapos rin malubong mismo sa baha.
Isang tulay rin sa lugar ang pansamantalang hindi pinadaanan sa malalaking sasakyan upang ma inspeksyon ng Engineering Office ng munisipyo ang stability nito.