• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, November 6, 2026
27 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
Big1 2026 728x90
Gasul 2026 728x90
ADVERTISEMENT
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    DOLE, nagkaloob ng livelihood tools sa 11 benepisyaryo sa Corcuera

    FILE PHOTO. VOTERS REGISTRATION IN ODIONGAN ROMBLON.

    Comelec, magbubukas muli ng voter registration sa Nobyembre 10

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    Zalameda, itinalaga ni Marcos bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    17% lamang ng MSMEs sa ASEAN, nakaka-access ng financing

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

    Gov. Firmalo-Fabic, hinikayat ang publiko na tangkilikin ang lokal na produkto ngayong Pasko

    MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    MySSS Card at piling serbisyo ng SSS, isasama sa eGovPH app

    Natatanging produkto ng mga taga-Odiongan, pinuri sa Social Enterprise Week

    Natatanging produkto ng mga taga-Odiongan, pinuri sa Social Enterprise Week

    Kooperatiba at NGOs, hinimok na magtulungan para mapalago ang micro-enterprises

    Kooperatiba at NGOs, hinimok na magtulungan para mapalago ang micro-enterprises

    Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga ka katatakutan sa Romblon

    Op-Ed: Ang mga kabanalan sa Romblon

    Kauna-unahang indoor pickleball court sa Odiongan, pormal nang binuksan sa publiko

    Todo Pina: Pickleballmania hits Odiongan by Storm

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Op-Ed: Ber Months na, Pero El Niño ang Dumarating

    Terminal fee sa Batangas Port, aakyat sa ₱60 simula Enero 2026

    Op-Ed: Modernong Terminal, Mahinang Signal

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Ang Romblon sa gitna ng Pilipinas

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Op-Ed: Magtanim, Magpalago, Magtanggol

    Pamahalaang Panlalawigan, magpapadala ng ayuda sa Sibale Island

    Op-Ed: Mas Mahal ang Hindi Pakikinig

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

    Hindi lang sa Quirino Avenue ang may mga pinutol na puno

  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
No Result
View All Result

  • Login
  • Register
27 °c
Romblon
28 ° Fri
28 ° Sat
28 ° Sun
No Result
View All Result
Romblon News Network
No Result
View All Result
Home Op-Ed U_Spy

U_Spy: Patibayan sa pag-bike

Romblon NewsbyRomblon News
January 2, 2021 - Updated On October 20, 2021
in U_Spy
Reading Time: 15 mins read
8
0
U_Spy: Patibayan sa pag-bike
Share on FacebookShare on Twitter

Noong bata pa kayo, narasanasan niyo rin ba mga tropapips na magmaktol at magsabi ng linyang ito na; “Puro utos! puro utos!,” Aba'y malamang ganyan ang sintemyento ng maraming tao ngayon sa mga inilalabas na direktiba ng IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases).

Kabilang sa mga naunang utos sa publiko ng AITF para iwas-hawa sa made in China virus na COVID-19 ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing o maglayo-layo, mahugas lagi ng kamay na may sabon o gumamit ng alcohol kapag lumalabas ng bahay o pupunta sa mga tindahan.

Kinalaunan, nadagdagan na iyan ng pagsusuot ng face shield para dagdag-harang sa talsik laway na puwedeng tumama sa iyo o lumabas mula sa iyo. Wala naman masama utos lalo na kung sasakay ng mga pampublikong sasakyan o mamamalengke o magma-mall dahil nga naman maraming tao lalo na nitong mga nakalipas na araw para namili ng regalo.

Katunayan, reklamo nga ng kurimaw natin na ipinapain sa daga ang handang keso-de-bola, maraming pasaway sa mga palengke at maging sa mall na mga mamimili na may kasamang mga alalay at saka daw magdadaldalan sa pila sa kahera na nakataas ang face shield.

Ang iba naman, akala mo raw eh mauubusan ng tutungtungan sa escalator dahil sumisingit ang mga mokong sa mga taong dumidistansiya sa nasa harapan nila para sumusunod utos na social distancing. Ang matindi, galit pa raw ang mga kumag na ‘di sumusunod sa minimum health protocols kapag sinita sila.

Sabi sa mga pag-aaral, malaking bagay talaga mga tropapips ang pagsusuot ng “tamang” face mask para maiwasan na mahawa o makahawa ng virus. Kung naka-face mask nga naman, mahaharang na ang talsik ng laway kapag umubo o nagsalita. Bukod dito, protektado rin ang may face mask kung matalsikan lalo na kung naka-face shield.

Wala naman sigurong aangal na magsuot ng face mask at face shield kung nakaupo ka lang sa biyahe o naglalakad sa mall o palengke, pero ang tumatakbo at nagbibisikleta–aba'y marami ang napa-OMG dahil daig pang sumali sa Tour of Luzon kung patibayan ng hangin sa katawan at paghinga ang bagong sistema.

Ang isa pa ating kurimaw na biker na relief goods na sardinas ang handa sa Pasko at Bagong Taon, sinabing sinubukan niya noon na mag-bike nang naka-face shield at halos matumba siya dahil nahaharangan ang kaniyang paningin at talagang kinakapos sa paghinga.

Sa totoo lang, aba'y sobrang effort na ang mag-bike nang naka-face mask dahil napakahirap huminga habang nagpapadyak lalo na kung paakyat ang daan, tapos dadagdagan pa ng face shield? Ano raw kaya ang susunod…magsusuot na rin ng PPE? O baka naman pagsuotin na lang ng full face helmet ang mga biker gaya sa mga rider ng motorsiklo.

Dahil hirap nang makahinga ang biker dahil sa face mask, mas mahihirapan pa silang makasagap ng hangin at lalong mahihirapan makahinga kapag naka-face shield. Gayung nasa kalye naman ang mga biker na open area at wala sa loob ng mall o palengke.

Sa halip na full face shield, siguro eh obligahin lang ang mga biker na magsuot ng face mask at sun o eye glass, o yung mga half face mask.

Pero kung ayaw maniwala ng mga mahilig mag-utos, bakit hindi nila subukan na isang araw eh huwag silang gumamit ng de-aircon nilang sasakyan at mag-bike sila nang naka-face mask at full face shield.

Kahit dalawang kilometro lang na padyak na may sikat ng araw para malaman nila ang pakiramdam ng iniuutos nila. Mayroon kayang magcha-challenge accepted?

Tandaan: Ang tao'y nilalang na politiko at madalas ang politiko'y nanlilinlang ng tao! (Twitter: follow@dspyrey)

Related Posts

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

Magiging ‘guerrila’ at ‘ninja’ si E-Sabong

May 10, 2022
Lacson-Sotto bibisita ng Romblon

Ping Lacson o Tito Sotto, sino ang nakaranas ng heart break?

April 11, 2022

Popular Stories

  • Anim na estudyante, sugatan matapos magbanggaan ang tricycle at motorsiklo sa Romblon

    Lalaki, nasawi sa pananaksak sa Alad Island

    699 shares
    Share 280 Tweet 175
  • Odiongan Water District, itatayo na ang dagdag na water source para sa bayan

    45 shares
    Share 18 Tweet 11
  • BE-FAST, gabay sa pagkilala sa mga babalang palatandaan ng stroke

    100 shares
    Share 40 Tweet 25
  • Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

    3021 shares
    Share 1208 Tweet 755
  • Love Angel Society, hinikayat ang pagre-recycle sa pamamagitan ng Heroween Party sa Sta. Maria

    15 shares
    Share 6 Tweet 4
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Madrona, isinusulong ang conversion ng RNIT bilang Romblon State Polytechnic Institute

PCSO Lotto Results – November 03, 2026

Marcos, naglabas ng EO para sa iisang patakaran sa suspensiyon at pagbabalik ng klase

TRENDING FOR THE MONTH

Sekyu patay sa pananaga ng kapwa sekyu sa RSU San Andres

Rider, patay sa aksidente sa Odiongan nitong Araw ng mga Santo

HS student, patay sa aksidente sa MariSur, San Andres

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2026. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Op-Ed
  • Sports
  • eTabloid
  • From the Campuses
    • The Bridge
  • Login
  • Sign Up