Naitala ngayong Martes, January 19, ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) ang limang bagong kaso ng Covid-19 sa bayan ng Romblon, Romblon.
Kabilang rito ang nauna ng naiulat ng Rural Health Unit ng Romblon na isang 27-year old na babae at isang 34-year old na lalaki, pawang mga residente ng Barangay Cajimos.
SIla ay mga close contact ng mga naunang kaso na ng Covid-19 sa bayan.
Samantala, isa naman sa nakarekober sa virus ngayong araw.
Sa cumulative case, aabot na sa 119 ang total case sa probinsya ng Romblon kung saan 79 rito ay local at 40 naman ang imported case.
Sa bilang na ito, 101 ang nakarekober na at 3 naman ang nasawi.