Bilang paggunita sa kapiyestahan ni Sr. Sto Niño de Romblon, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Romblon ang special non-working holiday sa darating na Biyernes, January 8.
Walang pasok ang mga opisina ng gobyerno at pribadong sektor sa bayan gayun rin ang mga pasok sa mga eskwela.
Sa executive order na inilabas ng lokal na pamahalaan ng Romblon, nakasaad na sa darating na Biyernes gaganapin ang tinatawag nilang Ton-Ton kung saan ibinababa ng altar ang imahe.
Ngunit ngayong taon, sa halip na iikot sa bayan, mananatili sa loob ng simbahan ang Santo.