Ayon sa ulat na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit kahapon, Janaury 26, may isang panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang naitala sa bayan ng Romblon, Romblon.
Ito ay isang 21 anyos na babae at residente ng Barangay Capaclan.
Sa pagsisiyasat, siya ay close contact ni Romblon Covid-19 Case No. 105. Naka-isolate na rin ito at nanatili namang asymptomatic.
Sa ngayon, 16 na lamang ang kasalukuyang aktibong kaso ng Covid-19 sa probinsiya ng Romblon at 49 naman ang resulta na hinihintay pa.
Muling pagpaaalala sa lahat na maghugas ng kamay, gumamit ng alcohol, magsuot ng mask, magphysical distancing at wag magdiskrimina sa iba.