Arestado sa operasyon ng tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ang isang tulak di umano ng iligal na droga sa bayan ng Romblon, Romblon noong ika-19 ng Enero.
Kinilala ang suspek na si Angelito Fabito Perez o mas kilalang Litoy, 34 anyos, residente ng Barangay Bagacay.
ADVERTISEMENT
Sa ulat ng pulisya, nabilhan nila ang suspek ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa kaukulang kaso.