Isang clean-up drive activity ang inorganisa ng Police Provincial Office – Romblon sa pangunguna mismo ni Police Regional Office director Police Brigadier General Pascual Muñoz Jr., nitong Linggo.
Ginanap ito sa sikat na Bonbon Beach sa Barangay Lonos, bayan ng Romblon, Romblon.
Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagtalima sa core values ng PNP na Pulis Makakalikasan na naglalayung protektahan at i-preserve ang natural resources ng bansa.
Nakiisa sa aktibidad si Governor Jose Riano, kasama ang iba’t ibang uniformed personel ng probinsya, mga kabataan, at mga opisyal ng barangay Lonos.