Isa nanamang pasyente ang nag positibo sa coronavirus disease 2019 o Covid-19 sa bayan ng Romblon, Romblon ngayong Miyerkules, December 02.
Ito ay isang 25-taong gulang na babae na close-contact ng isang pasyente na tinamaan rin virus sa bayan. Siya na ang ika-78 na kaso ng Covid-19 sa probinsya.
Ayon sa Romblon Rural Health Unit, siya ay symptomatic o nagpapakita ng mga sintomas ng virus at ito ngayon ay naka-isolate sa kanilang isolation facility.
Samantala, nitong nakalipas na mga araw ay mga mga gumaling na sa virus sa nasabing bayan kaya batay sa talaan ng provincial epidemiology surveillance unit (PESU) aabot na lamang sa 27 ang aktibong kaso ng Covid-19 sa buong probinsya.
21 rito ay sa bayan ng Romblon, habang ang 5 naman ay sa San Fernando, at ang 1 ay sa Alcantara.