Patay na ng matagpuan ng kanyang mga kamag-anak sa Barangay Hinag-oman, Ferrol, Romblon ang isang lalaki na naligo sa dagat nitong araw ng Pasko.
Kinilala ang nasawi na si July Conejos Fiedacan, 21 anyos.
Ayon sa pulisya, bandang alas-4 ng hapon ng umuwi si Fiedacan galing sa inuman at nagpaalam sa kanyang ina na maliligo sa dagat upang mahimasmasan sa kalasingan.
Dahil malapit lang naman ang dagat sa kanilang bahay, pinayagan ito.
Ilang oras ang nakalipas, hindi bumalik si Fiedacan at dito na siya hinanap sa dagat kung saan siya natagpuang walang buhay.
Isinugod pa ito sa Romblon Provincial Hospital sa bayan ng Odiongan ngunit idineklera rin itong dead on arrival ng Doctor.