Walo ang kumpirmadong nadagdag sa mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 o Covid-19 sa bayan ng Romblon, Romblon ngayong Miyerkules.
Sa ulat ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit, ang walo ang mga nahawa ng mga naunang kaso ng Covid-19 sa bayan.
Dahil dito, umakyat na sa 96 ang total cumulative case ng Covid-19 sa buong probinsya kung saan 21 rito ay active case habang 73 ang gumaling at 2 naman ang nasawi.
Sa mga aktibong kaso, 19 rito ay sa bayan ng Romblon, Romblon habang tig-isa naman sa mga bayan ng Alcantara at Looc.
Muling pinapaalala ng mga otoridad na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols ng Department of Health katulad ng palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks at face shield sa tuwing lalabas, at pagkakaroon ng social distancing sa iba.