Sugatan sa isang hit-and-run incident ang tatlo katao kabilang ang dating Sangguniang Panlalawigan member ng Romblon na si Nelson Lim sa bayan ng Romblon, Romblon nitong araw ng Pasko.
Sa ulat ng pulisya, isang kulang itim na pick-up truck ang suspek sa pangyayari, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala kung kanino ito sasakyan.
Bandang 6:38 ng gabi nang unang masalpok ng pick-up truck ang isang menor de edad na rider sa Barangay Lonos at makalipas ang ilang minuto ay sinalpok rin si Lim kasama ang angkas nitong si Maria Doanne Gatchalian.
Nagsanhi ng pagkasugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang aksidente dahilan upang ang tatlo ay dalhin sa Romblon District Hospital upang gamutin.
Ang suspek naman, agad na tumakas sa lugar at tumungo sa daan papuntang Poblacioin.
Ayon sa Romblon Municipal Police Station, ginagawa na nila ang lahat para matukoy ang salarin sa nasabing hit-and-run.