Matapos itong lumihis, tuluyan ng lumayo sa probinsya ng Romblon ang bagyong Tonyo dahilan upang tanggalin na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang babala ng bagyong sa lalawigan.
Sa advisory ng Pagasa kaninang alas-5 ng hapon, sinabi nila na ang bagyo ay tinatahak na ang West Philippine Sea at inaasahang lalabas ng PhiPhilippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga.
Walang naiulat na damages ang bagyo sa lalawigan, batay sa taya ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).