Suspendido pa rin bukas, November 11, hanggang sa susunod na abiso ang klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa bayan ng Romblon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Sa memorandum order na nilabas ni Governor Jose Riano nitong Martes, sinabi nito na ang kautusan ay sagot sa assesment ng Municipal Inter-Agency Task Force at ng medical doctors na mayroon ng local transmission ng virus sa bayan.
Maliban sa pagsuspende ng klase, ipinagutos rin ng Gobernador ang pagkakaroon ng work from home arrangement sa lahat ng empleyado ng Provincial Government, Municipal Government, National Government Agencies, at Department of Education, na nakabase sa bayan mula November 11 hanggang sa susunod na abiso.
Pinapayuhan rin ang mga may-ari at hepe ng mga pribadong opisina na magkaroon ng work from home arrangement.