Inanunsyo ng Romblon District Hospital (RDH) na isa sa kanilang empleyado ang nagpositibo rin sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) matapos mahawa sa isa sa kanilang mga pasyenteng nag positibo rin sa virus noong nakaraang linggo.
Ayon sa pahayag ng Romblon District Hospital, ang nasabing frontliner ay naka-isolate na ngayon at kasalukuyang naka-quarantine.
Siya ay asymptomatic at nasa maayos naman umanong kalagayan.
“On going na Ang Contact Tracing sa mga close contact ng nagpositibong empleyado. Magsasagawa ng RT PCR Test sa lahat ng Close Contacts,” bahagi ng pahayag ng RDH.
Dahil dito, mananatili parin na walang OPD sa RDH at kanselado parin ang mga dalaw sa mga naka-admit sa ospital na mga pasyente.
Tanging mga true emergency lamang ang kanilang tatanggapin at mga kailangan ng agarang operasyon.