Tatlo ang nadagdag sa mga tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa probinsya at lima naman ang gumaling na sa virus, batay sa datus na inilabas ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) nitong Martes, November 24.
Ayon sa datus, isa ang nagpositibo sa mga resulta na inilabas noong Lunes, November 23 at dalawa naman ang nagpositibo sa mga resultang inilabas ngayong November 24 habang ang lima naman ang gumaling na sa mga naunang kaso matapos makapag-quarantine.
Sa kasalukuyan, may 13 aktibong kaso ng Covid-19 sa probinsya kung saan 12 rito ay locally transmitted sa bayan ng Romblon at 1 naman ay imported o LSI sa bayan ng San Fernando.
Batay pa sa talaan ng ahensya, aabot na sa 54 ang cumulative case ng Covid-19 sa probinsya simula pa ng pumutok ang Covid-19 pandemic kung saan isa rito ang nasawi.