Sa Facebook post ni Governor Jose Riano ngayong gabi, October 25, inanunsyo nito na suspendido rin ang klase sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan bukas dahil sa banta ng bagyong Quinta.
Matatandaang, nauna ng sinuspende ng gobernador ang pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno bukas.
Sa memorandum order ni Gov. Riano, sinabi na kabilang sa mga suspendido ang pasok ay mga National Government Agencies kasama ang mga opisina ng Department of Education at Commission on Higher Education.
Samantala, itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa Tropical Cyclone Wind Signal #3 ang mga bayan ng Banton, Corcuera, at Concepcion. Signal #2 naman ang nakataas sa iba pang bahagi ng probinsya.