Isinailalim ang Romblon ngayong gabi sa Tropical Cylone Wind Signal #1 dahil sa bagyong Rolly na patuloy na lumalakas habang papalapit sa bansang Pilipinas.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang bagyo ay inaasahang magla-landfall sa Quezon-Aurora area bago nito tatawiran ang gitnang Luzon.
Sinabi rin ng Pagasa na ang bagyong Rolly ay halos isa ng Super Typhoon category dahil sa patuloy na paglakas nito.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 215 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 265 km/h.
Gumagalaw ito direksyon na West Southwestward sa bilis na 15 km/h.
Maliban sa Romblon, nakataas rin ang TCWS #1 sa mga probinsya ng Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate including Ticao and Burias Islands, Quezon including Polillo Islands, Rizal, Laguna, Marinduque, Northern Samar, northern portion ng Samar (Tagapul-An, Almagro, Santo Nino, Tarangnan, Catbalogan City, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Jiabong, Motiong, Paranas, San Jose de Buan, Matuguinao), northern portion ng Eastern Samar (Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Jipapad, Arteche, Oras, San Policarpo), at sa northern portion ng Biliran (Kawayan, Maripipi).