Tinanggal na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang tropical cyclone wind signal sa probinsya ng Romblon matapos tuluyang lumayo ang bagyong Quinta sa lalawigan.
Sa weather bulletin ng Pagasa nitong hapon ng October 26, tanging ang Batangas, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Calamian Islands, Lubang Islands, at extreme northern portion ng Antique nalang ang mga lugar na may tropical cyclone wind signal #1.
Huling namataan nitong alas-4 ng hapon si Quinta sa layong 310km West ng Calapan City, Oriental Mindoro.
Taglay parin ni Quinta ang lakas na hangin na aabot sa 130 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 160 km/h. Gumagalaw ito patungong West Northwestward sa bilis na 25 km/h at inaasahang bukas ay nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.