Magbubukas na para sa publiko ang service desk ng Government Service Insurance System (GSIS) sa probinsya ng Romblon sa darating na Biyernes, ika-9 ng Oktubre.
Ayon sa inanunsyo ng GSIS nitong Lunes sa ginanap na flag raising ceremony sa provincial capitol, magbubukas ang kanilang opisina sa publiko para tumanggap ng mga loan application mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon tuwing Lunes hanggang Huwebes.
Ngayong Lunes, nag-courtesy call na si Senia Mariveles, GSIS – Romblon, Service Desk Officer, kay Governor Jose Riano para pag-usapan ang nakatakdang soft opening sa darating na Biyernes.
Matatagpuan ang opisina ng GSIS sa Governor’s Residence compound sa kapitolyo ng probinsya.