Arestado sa pinagsamang pwersa ng Romblon Municipal Police Station, Provincial Intelligence Branch at Philippine Drug Enforcement Agency ang isang lalaki sa bayan ng Romblon matapos itong mabilhan di umano ng iligal na gamot na marijuana.
Kinilala ang suspek na si Sonny Macatol, alys Bart, 34 anyos at residente ng Barangay IV.
Ayon sa pulisya, isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili ng dalawang sachet ng marijuana sa suspek sa halagang P1,000.
Matapos mag positibo sa subject, agad umanong inaresto ng mga tauhan ng pulisya ang suspek.
Samantala, itinanggi naman ng mga kaanak ng suspek na nagbebenta ito ng marijuana.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.