Isang pitong buwang fetus ang natagpuan matapos itapon umano ng kanilang magulang sa Barangay Lonos, Romblon, Romblon, ayon sa ulat ng Romblon Municipal Police Station ngayong hapon.
Ayon kay Captain Gemie Mallen, ang sanggol ay natagpuan ng isang residente ng nabanggit na Barangay sa isang creek malapit sa kalsada bandang alas-2 ng hapon kanina.
Nakakabit pa umano ang umbilical cord ng bata kaya malakas ang kanilang hinila na ito ay ipinaglaglag.
“Posibleng madaling araw itinapon doon ‘yung sanggol, kasi madaming tao pag umaga. Tapos may mga insekto na rin dito, palatandaan na matagal na itong patay,” pahayag ni Captain Mallen sa Romblon News Network.
Matapos masuri ang bata, binasbasan ito sa simbahan bago inilibing sa Agbuyog Cemetery.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Romblon Municipal Police Station kaugnay rito at nakikipag-ugnayan na rin sa lahat ng Barangay Health workers para matukoy ang posibleng pagkakakilanlan ng ina ng nasabing sanggol.