Kasalukuyang nakakaranas ng brownout ang ilang bahagi ng Romblon town matapos masira ang isa sa mga barge ng National Power Corporation (NPC) kasunod ng malakas na ulan sa lugar.
Ayon sa Romblon Electric Cooperative, Inc. (ROMELCO), nasira ang NPC Barge #106 dahil sa lakas ng ulan na naranasan kanina sanhi ng habagat.
Kasalukuyang nagpapatupad na ng load sheeding sa mga barangay ng Romblon ang RMOELCO upang pagkasyahin lamang ang natitirang kapasidad ng NAPOCOR sa kanilang planta.
“Kasalukuyan pong nagsasagawa ng malawakang pagsasaayos sa NPC Barge upang maibalik po ang normal na operasyon ng kuryente sa lahat,” pahayag ng ROMELCO sa kanilang Facebook Page.
Humingi rin sila na pagunawa sa publiko kaugnay sa nangyari.