Tiklo sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang lalaking itinuturing nilang High Value Target sa bayan ng Romblon, Romblon makalawa.
Kinilala ang suspek na si Brain Fallaria Molo, high value target umano sa target list ng PDEA-Romblon/Mimaropa.
Ayon sa report ng PDEA-Romblon, naaresto si Molo sa isang buy-bust operation dakong alas-11 ng umaga nitong Lunes sa Sitio Ambulong, Brgy. Bagacay Romblon, Romblon.
Nabilhan umano ang suspek ng ilang shabu gamit ang buy-bust money at tatlong piraso na P1,000 boodle money.
Nakakulong na ngayon ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.