Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang isang mangingisda sa bayan ng Romblon, Romblon matapos itong mawala sa laot noong Lunes, ika-27 ng Hulyo.
Ang nasabing mangingisda ay kinilala ng kanyang pamilya sa pangalang Hugo Mayor, Sr., 70 taong gulang, residente ng Barangay Mapula.
Ayon sa pamiyla ni Mayor, natagpuan ang bangka ni Hugo na palutang-lutang sa dagat ng mga kasamang mangingisda. Wala umano rito ang biktima at sira rin ang katig ng makita ito sa gitna ng dagat.
Huling nakita ang biktima bandang alas-4 ng umaga noong Lunes, malapit sa baybayin ng Barangay Agnipa.
Alam na ng mga tauhan ng Coastguard – Romblon at Maritime Police ang nasabing pangyayari at sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa iba’t ibang bayan na malapit sa Romblon island para sa posibleng sighting ng bikitma.